Republic Act
Approved April 14, 1992

Republic Act No. 7426

Isang batas na bumabago sa pambayang pagamutan sa bayan ng nampicuan, lalawigan ng nweba esiha, na maging isang pangkalusugang tanggapan na may limang kama, na tatawaging pangkalusugang tanggapan ng nampicuan, at naglalaan ng pondo para dito

ISANG BATAS NA BUMABAGO SA PAMBAYANG PAGAMUTAN SA BAYAN NG NAMPICUAN, LALAWIGAN NG NWEBA ESIHA, NA MAGING ISANG PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NA MAY LIMANG KAMA, NA TATAWAGING PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NG NAMPICUAN, AT NAGLALAAN NG PONDO PARA DITO

In plain language

This act establishes a health office in Nampicuan, Nweba Esiha province, with five beds, named Pangkalusugang Tanggapan ng Nampicuan, and allocates funds for its operation.

  • Establishment of Pangkalusugang Tanggapan ng Nampicuan with five beds
  • Funding to be included in the General Expenditure Law
  • Act takes effect upon approval
Republic Act
Health
Local Government

[ REPUBLIC ACT NO. 7426, April 14, 1992 ]

ISANG BATAS NA BUMABAGO SA PAMBAYANG PAGAMUTAN SA BAYAN NG NAMPICUAN, LALAWIGAN NG NWEBA ESIHA, NA MAGING ISANG PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NA MAY LIMANG KAMA, NA TATAWAGING PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NG NAMPICUAN, AT NAGLALAAN NG PONDO PARA DITO

Dapat pagtibayin ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ngayon at nagpupulong:

SEKSYON 1. Ang pambayang pagamutan sa Bayan ng Nampicuan, Lalawigan ng Nweba Esiha, ay binabago sa pamamagitan ng Batas na ito na maging isang pangkalusugang tanggapan na may limang kama, na tatawaging Pangkalusugang Tanggapan ng Nampicuan.

SEKSYON 2. Ang halagang kakailanganin upang ipatupad ang mga probisyon ng Batas na ito ay isasama sa Batas ng Pangkalahatang Gugulin sa susunod na taon matapos pagtibayin ang Batas na ito at sa iba pang sumusunod na taon pagkaraan nito.

SEKSYON 3. Ang Batas na ito ay magkakabisa sa sandaling mapagtibay.

Pinagtibay,

| (Sgd.)NEPTALI A. GONZALES President of the Senate | (Sgd.)RAMON V. MITRA Speaker of the House of Representatives | | --- | --- | | This Act which originated in the House of Representatives was finally passed by the House of Representatives and the Senate on October 17, 1991 and February 3, 1992, respectively. | | | (Sgd.)ANACLETO D. BADOY, JR. Secretary of the Senate | (Sgd.)CAMILO L. SABIO Secretary General House of Representatives |

Approved: APRIL 14, 1992

(Sgd.)CORAZON C. AQUINO President of the Philippines

For information and research only, and not legal advice. This text may not reflect later amendments. For certified copies, refer to the Official Gazette or the issuing agency.